The Makati Scandal



The Makati Scandal

Posts I Like
Who I Follow
Posts tagged "Friends"

Okay, starting next month. May hahawak na ng mga ghost accounts ko sa FB.  Shet ang hirap magmaintain ng 4 na account infairness!    Nakakaloka!

Ang matitira lang muna sakin ay yung ginagamit ko sa blog at personal account ko.  At least mababawasan ang kelangan kong asikasuhin.

Lalo na pag lagi kong nakakasama.  Naso-suffocate ba ako or nagsasawa lang ako na lagi ko silang kasama?  

Malapit na ang birthday ko.  Iba ang year na ‘to kasi di ako magcelebrate sa province.  Anyway, kakain at magiinuman lang naman kami ng friends ko sa isang cheap na bar dito sa Makati sa February 12.   Tapos sa weekend naman, malamang dinner or movie naman with my siblings.  Ganun lang kasimple.   Syempre, hindi ako papasok sa office sa araw na yun dahil ayokong manlibre sa mga officemates ko hahaha!

Maaga pa akong gigising bukas para makipagmeet sa dati kong officemates sa SM North at hanggang ngayon ay di pa ako natutulog samantalang 2 oras lang ang tulog ko kagabi ah.

  • First Cut is the Deepest
  • The Man Who Can’t Be Moved
  • With or With Out You
  • Pare Ko
  • Wag na Wag Mong Sasabihin
  • Stitches and Burns

Okay, ako na ang sintunado at di makamove on hahaha!

  • Jen: Extend mo na ang stay mo dito. Magpa-re-book ka na ng ticket.
  • Me: Grabe excited na ako sa reunion natin!
  • Jen: Ay oo nga! Dito ka na matulog sa apartment!
  • Me: Wala ka pa bang bf?
  • Jen: Wala puro bading dito sa office!
  • Me: Okay, pareho tayong magiging old maid!
  • Jen: Bawiin mo ang sinabi mo!

So lahat ng common friends namin pag nakikita ako after ilang years ay sya kagad ang tinatanong?  Kelan pa naging kakabit ng buhay ko si Roel, aber?

  • Ang boss kong moody - Di ko sya ma-gets.  Nung first week of January, pinupuri nya ako.  Sa email, pinupuri nya ako.  Pagdating sa pagpapasa ng mga reports ko, irritable sya.  Sa meeting, ipinagtatanggol nya ako.  Sa presentation, nagdududa sya sa report ko.
  • Ang blind date ko - Na-meet ko na sya.  Okay naman sya.  Mukhang okay din ako sa kanya.  :-)
  • Ang work ko - Nakakapagod pero dahil sa nirerenovate ang bago naming office ay kelangan kong mag-stay kasama ng isang group sa isang napakasikip na room.  Pero nakatulong naman sakin ang pagkakasama namin sa isang room dahil wala kaming ginawa kundi ang tumawa nang tumawa.  Halos schoolmates ko nung college ang mga kasama ko kaya madali silang nakagaanan ng loob.  Nakakalungkot lang kasi yung isa ay hanggang January 21 nalang. :-(
  • Ang friends ko - Katatapos lang ng reunion ko sa mga dati kong officemates na naging friends ko na rin.  Lahat kami ay mukhang masaya naman sa bago naming work.  May mga stress pero sabi nga nila di naman maiiwasan ang stress. :-)
  • Ang money ko - Andami kong gastusin.  Kelangan kong magtipid at magovertime.
  • Ang schedule ko - Puro events nalang sa company.   Next weekend, sa Baguio at La Union ako.  Wala akong balak na magrest day.  Overtime nalang ‘to.  Kelangan kong yumaman!
  • Ang lolo ko - Kakalibing lang ng lolo ko.   Nakakalungkot dahil kakapasok lang ng bagong taon ay namatayan na kami ng kamag-anak.  Anyway,  85 years old na sya at tingin ko naman ay naging masaya sya nung nabubuhay pa sya.
  • Ang sister ko - Ang sister ko ay pabalikbalik sa Heart Center last week.   Sana naman ay walang problema ang puso nya.   

Bago matapos ang taon ay iba-blog ko muna ang mga nangyari sakin nitong nagdaang linggo dahil naging sobrang busy ako at di ako nakapag-blog.

  1. Itinakbo ako sa Makati Med nang ala una ng hapon nung December 24 dahil sa diarrhea at gastritis.  Pinilit ko ang doctor na resetahan ako ng gamot at wag akong i-confine kaya nakalabas ako ng alas singko ng hapon sa hospital.
  2. Nagka-gastritis ako dahil sa stress at alak.  Ilang gabing sunud sunod na uminom ako ng Margarita at Vodka at inaaraw araw ko ang 3 cups of coffee kaya ayun.
  3. Dahil sa gamot, di ko masyadong naenjoy ang dinner at lunch nung Christmas.  Anyway, masaya pa rin naman kasi kasama ko ang family ko.
  4. May pasok ako ng 26 at 27.  Wala akong choice kasi andami kong gagawin.  Marami akong pending projects.  Hindi ko alam kung paano ko matatapos.
  5. Ilang araw na akong kumakain ng oatmeal dahil sa sakit ko sa tyan.  Last night, nakapag burger steak ako kahit bawal sakin.   Nakipagkita kasi ang friend kong bading.   Two years na kasi syang bum tapos ngayon inofferan sya ng gobyerno ng trabaho at sobrang baba ng sweldo.  Sabi ko, ituloy nya na kesa naman wala syang work.
  6. Mag-isa lang ako dito sa Makati.  Umuwi sa province ang family ko para umattend ng wedding ng neighbor namin.   Di ako makatulog.   Napundi ata yung isang bulb bilang namatay.  Kung kelan mag-isa ako at gabi na saka naman nawalan ng ilaw.
  7. Natatakot ako sa 2013.  Mag 30 na kasi ako.  Hindi pa sapat ang ipon ko.  Di ko pa masyadong gusto ang work ko.   Di ko pa nami meet si Mr. Right.
  8. Nagshopping ako kanina.  Nag exceed na ako sa limit ko.  Bumili ako ng shoes, blouses at slacks.   Bumili rin ako ng planner.   
  9. Parang mabilis akong ma-depress nitong mga nagdaang araw.  Dahil kaya sa stress?
  10. Di pa ako nageempake.  Bukas darating di to ang family ko.  Sabay sabay kaming uuwi sa Isabela. :-)

Pag nagcocomment or naglike ang friends mo sa facebook.   Pati sa poke suggestions, lumilitaw ang name ni Mimi!  Ano ba yan!  Gusto ko tuloy mag-delete ng friends!