The Makati Scandal



The Makati Scandal

Recent Tweets @
Posts I Like
Who I Follow
Posts tagged "Activities"

Lahat ng mga gagawin ko today ay natapos ko hehehe.  Meron pa akong isang dapat ihabol.  Yung pagclaim ng eyeglasses.. 9pm pa magclose ang Glorietta!

Ang planner at ang notepad ko.  Andami kong gagawin bukas!

Madami akong gagawin:

  1. Manood ng Kdrama
  2. Makipagkita sa mga friends before 24.
  3. Mag-spend ng Christmas with my family dito sa Makati.
  4. Magshopping at magwaldas ng pera kasama ng family ko sa Glorietta.
  5. Sunduin sa airport ang mga balikbayan kong kamag-anak sa 26
  6. Umuwi ng province sa 27 kahit na fully-booked na ang lahat ng bus papuntang North.  Sabi nga sa terminal ng Baliwag Bus, “Wala ng byahe sa Nueva Vizcaya, Isabela at Cagayan kahit kailan.”
  7. I-pasyal ang mga balikbayan kong kamag-anak sa probinsya.
  8. Maghanap ng bagong matutuluyan sa Makati.

Okay, wala pa akong rest day pero lahat ng major activities ko ay okay na.   Makakahinga na ako ng maluwag.  Thank you Lord!

  1. Clean my room
  2. Laundry
  3. Grocery
  4. Withdraw P 5, 000.00
  5. Finish my module

I’ll have my restday on May 1 . :-)

  1. 2 hours ang traffic sa EDSA kaya inabot kami ng 14 hours sa daan bago nakarating ng province.
  2. Umaga na nang makarating kami at sobrang init!
  3. First day sa province, ang ginawa namin ay manguha at kumain ng buko at manood ng koreanovela na “The Princess Man”
  4. Second day sa province, ang ginawa namin ay manood ng “The Princess Man”, maglaro ng “123 Pass”, kumain ng tahong, talbos ng kamote, pritong hito, pritong bangus, biko, at iba pa sa ilalim ng puno at maglaro ng “Bookworm”
  5. Third day sa province, ang ginawa namin ay kumain ng salad at mga kakanin na gawa ng lola ko, kumain ng kaimito, uminom ng fruitshake, manood ng “Magnifico”  at maglaro ng “Bookworm”

Hindi kami pumunta sa ilog o sa dagat.  Sobrang init kaya tumambay nalang kami sa bahay.  Okay naman.  Masaya pa naman kahit di kami kumpleto. :-)

1.  Nakakastress sa work

  • Daming report, ang hirap gumawa ng analysis
  • Daming pending na projects, kulang ang time kahit na magextend ako ng 5 hours
  • Daming deadline, kulang ang araw para gawin lahat
  • Daming target, pati sales kelangan kong problemahin?
  • Daming event, bukas meron na naman sa Intercon Hotel

2. Zero ang lovelife ko

  • Walang time makipag-date
  • Walang interesting na lalake
  • Wala na akong pag-asang mahanap ang true love

3. Okay ang money.   Sana ma-achieve ko ang target ko this year!   Kelangan ko pa ng pera. :-)

4. Excited ako sa celebration ng birthday ni Papa at sister ko.   Excited din ako sa reunion sa May.   Sana walang tumapat na event..

Okay sinusubukan kong gawin lahat ng dapat gawin ko kaso may mga palpak.   Pag natapos ko ngayon ang lahat ng gagawin ko, manonood ako ng korean movie.  Hindi ako maginternet hanggat di ko natatapos.  Aja!

  1. Clean my room
  2. Laundry
  3. Grocery
  4. Shopping
  5. RT
  6. Pay electric bill
  7. Meet Jane
  1. Isang oras lang tulog ko
  2. Uminom ako kagabi
  3. Pagod ako
  4. Lalarga na naman ako mamya..